Ni Krisha Vyn Tinambunan
Naakit at nabihag ako ng iyong ganda,
ang mga talulot mong kay pula,
ang patunay ng pagmamahalan nating dalawa.
ang halimuyak mo ang naging hangin ko,
ang berdeng dahon mo ang naging kandungan ko,
Ikaw ang rosas ng buhay ko,
tanging pakiusap ay huwag mo akong iiwan,
pero sadyang matindi ang sikat ng araw,
ang dating pulang talulot mo
ngayon ay kulay lupa na,
at unti-unting nalalagas
hanggang sa mawala na.
tanging sugat mula sa iyong mga tinik
ang naiwang bakas sa kahapong kay pait.
Martes, Pebrero 23, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento