Miyerkules, Pebrero 24, 2010

Ihip sa Hangin Ni Pietros Val Patricio

Ni Pietros Val Patricio

Palaro kong inuukit sa hangin
ang iyong mukha
gamit ang aso ng sigarilyong
aking iniihip sa gabing ito.

Naaalala ko kasi ang iyong mukha
sa tuwing ako'y nakatitig
sa kabilugan ng buwan.

At sa bawat paghigop ko
ng malamig na beer,
natatandaan ko ang masadya
nating mga sandali noon.

Iniisip ko,
'Kailan ka kaya babalik
sa aking piling?'

Labis kasi akong nalulungkot
sa tuwing naririnig ko
ang iyong malambing na tinig
sa bawat ihip ng hangin sa aking tenga
at sa tuwing kumakanta
ang mga alon sa tabing dagat.

Sadya kong sinasabi sa aking sarili,
'Ganito nga ba kapait ang
mapaglarong tadhana ng pag-ibig?
Kusa itong dumarating at umaalis
sa ating mga kasingkasing
na parang ihip mula sa hangin.'

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento