Ni Norman Darap
Huwag ka nang malungkot
igalaw mo na ang iyong mukhang
di kumikilos,
nandito na ako,
nakapostura at nakabihis
bumangon ka na
at ako’y iyong kibuin.
Narito na,
tatlong rosas na kinasasabikan
mong tanggapin,
imulat mo na ang ‘yong mga mata,
ibuka ang ‘yong labi
nang aking marinig
matamis mong pagbati.
Wag mong hayaang
unti-unti kang budburan
at lunurin sa tsukolateng
di ko naihandog kamakailan.
Patawad! di ako dumating
sa pinangakong tagpuang,
kumupas,
Kaya ba?
Ika’y lumisan
upang ako’y mapilitang
dalawin ka agad-agad kinabukasan.
Martes, Pebrero 23, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento