(n.b.for the sake of V-Day, susubukan kong isalin ang pinakapaborito kong linya/passage mula sa pinakapaborito kong libro ni Paulo Coelho--ang By the River Piedra I Sat Down and Wept...)
Sa Ilog Piedra ako'y umupo't tumaghoy.
Ayon sa alamat lahat ng nahuhulog sa tubig ng ilog na nito--
dahon, insekto, balahibo ng ibon
Nagiging bato...
Kung sana'y magawa kong punitin ang aking puso
Iwasiwas sa daloy ng ilog
Upang ang hapdi at pananabik,
Lilipas at tuluyang makalimutan.
Sana ang aking mga luha malayong papatak
Upang hindi mabatid ng aking sinta
Na isang araw, ako'y umiyak para sa kanya.
Lilimutin ko ang mga daan, ang mga kabundukan,
ang mga kapatagan ng aking mga pangarap--
Mga pangarap na kailanma'y hindi magiging totoo.
Marahil magagawa ng pag-ibig
Na tayo'y patandain bago ang ating
kapanahunan--o ang kabataan,
Kung ang kabataan nga'y lumipas na.
Ngunit paano ko alalahanin ang mga sandaling iyon?
Bagkus isusulat ko... susubukan
Na baligtarin ang kalungkutan upang maging
pananabik, katahimikan upang maging alaala.
At sa pagwawakas ng aking pagsasalaysay,
Maaari ko na itong itapon sa Piedra.
Nang sa gayon, ayon sa wika ng isang banal,
Aapulahin ng tubig ang isinulat ng apoy.
Pare-pareho ang mga kuwentong pag-ibig.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento