Martes, Pebrero 23, 2010

Madilim kong Gabi Ni Krisha Vyn Tinambunan

Ni Krisha Vyn Tinambunan

Habang ako ay nasa iyong mga bisig,
Nakangiting bumati sa atin ang maliwanag na buwan.
Sabay-sabay akong hinalikan ng mga alitaptap,
habang tinititigan mo ako ng mapang-akit mong mga mata.
Masaya akong dinuyan ng ihip ng hangin,
habang ako ay iyong kinakantahan.
buong magdamag mong kinulayan
ng iyong pag-irog ang madilim kong gabi.
kumakanta na ang mga kuliglig
at kasabay ng mga talang nagnining-ning
ay isinayaw mo ako sa saliw ng agos ng tubig,
naging hangin ko ang bawat hininga mo,
at naging kumot ko ang mainit mong yapos,
sabay nating sinalubong ang sariwa ng umaga
at punong-puno ng pagmamahal nating binati
si haring araw na warang sumisilip.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento