Mahal kong ka-MPG:
Magandang araw po!
Gawin nating makabuluhan ang pagtatapos ng taon.
Matapos ang unang elektronik project nating “Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala” (na lumabas sa lokal na pahayagan ng Panay News Sunday Magazine at kumalat sa ilang sites sa internet) nagkaroon ng isang higit na mas malaking hamon ang ating grupo: ito ay ang panindigan ang adbokasiya natin sa pagpapahalaga ng Hiligaynon at pagtulong sa Wikang Pambansa sa pamamagitan ng matinding pagkapit rito.
Muli kayong inaanyayahang magsumiti ng ilang mga akda tulad ng binalaybay, kuwento, sanaysay, dula atbp. na nasusulat sa lingwaheng rehiyunal, Filipino o Ingles. Siguraduhing nai-edit ng maayos ang mga isa-submit na entries. Maaari itong ipadala sa thenewmirrorpoetryguild.com.ph o mismong i-personal message sa opisyal na facebook account ng MPG.
Naririto ang kailangang isumiti para sa website, at kung papaano gagawin:
1. Kailangang magsumiti ng ilang akda pwedeng binalaybay, kuwento, sanaysay,o dula sa Hiligaynon o kahit na sa anong lingwaheng rehiyunal , Filipino o Ingles.
2. Ipadala sa thenewmirrorpoetryguil@yahoo.com.ph, o ilagay ang mga ito sa comment box ng mensaheng ito o sa facebook mismo.
3. Siguraduhing nai-edit ng maayos ang mga isusumiting binalaybay. Ito ay pagpapahalaga sa responsibilidad ng isa/o mismong makata sa kanyang binalaybay o pinaniniwalaan.
4. Ang tema ay mga binalaybay na nagpapakita ng pagpapahalaga ng makata sa kanyang sarili at lugar na pinanggalingan.
5. Kung nanaisin mang mayroong gagawing pagsasalin sa mga tula, siguraduhing maayos, o nasa mahusay na paraan ito ginawa. Ang pagsasalin ay isang disiplina tulad ng sa tula.
6. Mananatili ang karapatang-ari/Kapirayt ng tula sa may-akda.
7. Tatanggapin hanggang Nobyembre 15 lamang ang mga hinihingi.
Kung mayroong tanong ukol sa mga nabanggit na bagay maaring kontakin lamang ang mga taong maaaring mapagtanungan sa ngayon habang patuloy na inaayos ang ilang bagay:
El Cid: 0916-2764-035
Noel: 0929-6936-307/ 0905-6277-315
O sa aming mga email address na makikita sa aming facebook.
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta.
Diyos na ang bahala sa inyo.
Mga websites na maaaring bisitahin tungkol sa MPG:
http://thenewmirrorpoetryguild.blogspot.com
http://facebook.com/thenewmirrorpoetryguil
PATULOY NA I-TAG ANG OPISYAL NA FACEBOOK ACCOUNT NG MIRROR POETRY GUILD PARA SA MGA BAGONG TULA NG BAWAT MYEMBRO!
HABULIN MO AKO: Inaasahan na kasabay ng mga ipapadalang akda ay ang inyong bioneta (bionote). Bahala ang manunulat kung gaano ito kahaba. Tandaan na sa Nobyembre 10 na ang dedlayn ng mga hinihingi o bago ang na sabing buwan at araw.
Miyerkules, Oktubre 27, 2010
Lunes, Oktubre 4, 2010
Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala Mga Binalaybay sa Hiligaynon at Kinaray-a ng Miror Poetry Guild

Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala
Mga Binalaybay sa Hiligaynon at Kinaray-a ng Miror Poetry Guild
Pormal nga iga lunsar sang Mirror Poetry Guild ang una nga electronic project sang grupo sa maabot nga Oktubre 15, 2010 (Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala, Mga Binalaybay sa Hiligaynon at Kinaray-a ng Mirror Poetry Guild). Ini ang una nga koleksyon sang mga binalaybay sang Mirror Poetry Guild matapos ang halos 11 months nga pagpaidalom sang grupo sa intensibo nga weekly critique session, kag pag-attend sa pila ka mga regional writers workshop. Upod man sang koleksyon ang mga binalaybay sang mga nagapanguna nga active ilonggo poets parehas nanday Marcel Milliam, Arlene Moscaya, El Cid Togonon, Norman Darap, Noel de Leon, Pietros Val Patricio, Sunshine Teodoro, Krisha Vyn Tinambunan, Cara Uy, Danielle Parian, kag Romellaine Arsenio nga una na nga nakilala bilang bag-o nga mga myembro sang Mirror Poetry Guild.
Para sa pila ka impormasyon angot sa sini nga proyekto bisitahon ang http://thenewmirrorpoetryguild.blogspot.com, http://facebook.com/mpg, o kun magtawag o mag-text sa mpg admin 0929-6936-307.
Hulaton ang masunod nga electronic project sang grupo sa Disyembre: “Antique, Iloilo, Guimaras, Dumangas, Dingle MPG Poems” nga pagahatagan sang malip-ot nga introduksiyon ni El Cid Togonon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)