Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala
Mahal kong ka-MPG:
Magandang araw!
Ipagpatuloy natin ang sigla ng Binalaybay gamit ang Hiligaynon.
Bilang pagpapatuloy, inaanyayahan ko ang lahat ng aktibong kasapi ng Mirror Poetry Guild-MPG na magsumiti ng mga pinaka bagong tula sa Hiligaynon. Ang adhikain ay ang muling pagbuhay ng ating website http://thenewmirrorpoetryguild.blogspot.com/, at ang pakikiisa ng ating Hiligaynon sa nagaganap na pagpapayaman ng ating Wikang Pambansa.
Naririto ang kailangang isumiti para sa website, at kung papaano gagawin:
1. Kailangang magsumiti ng tatlo hanggang limang binalaybay sa Hiligaynon.
2. Ipadala sa ngdleon@yahoo.com, o ilagay ang mga ito sa comment box ng mensaheng ito.
3. Siguraduhing nai-edit ng maayos ang mga isusumiting binalaybay. Ito ay pagpapahalaga sa responsibilidad ng isa/o mismong makata sa kanyang binalaybay o pinaniniwalaan.
4. Bukas o malaya ang tema.
5. Kung nanaisin mang mayroong gagawing pagsasalin sa mga tula, siguraduhing maayos, o nasa mahusay na paraan ito ginawa. Ang pagsasalin ay isang disiplina tulad ng sa tula.
6. Mananatili ang karapatang-ari/Kapirayt ng tula sa may-akda.
7. Tatanggapin hanggang October 1 lamang ang mga hinihingi.
Upang mas higit na maging pormal ang adhikain nitong grupo naririto ang maaaring Agenda ng magaganap na pagkikita sa darating na Disyembre taong 2010:
1. Report/ o Pagbabalik tanaw sa mga nagawa ng MPG sa nagdaang unang taon nito.
2. Eleksyon
3. Open Forum/ o Pagbibigay suhistyon para sa mabilis pagkilala sa MPG bilang nangungunang organisasyon ng mga batang manunulat sa Panay, at ng Hiligaynon.
4. Budget/ o ang Pagbibigay ng buwanang kontribusyon
5. Pagpo-formalize ng bayoneta ng bawat isang myembro
Ang Hiligaynon: Pagpamukad kag Pagpakilala ay bukas sa lahat ng bisita na gustong magsumiti ng kanilang mga binalaybay sa Hiligaynon. Ikalat natin ang magandang balitang ito.
Kung mayroong tanong ukol sa mga nabanggit na bagay maaring kontakin lamang ang mga taong maaaring mapagtanungan sa ngayon habang patuloy na inaayos ang ilang bagay:
El Cid: 0916-2764-035
Noel: 0929-6936-307
O sa aming mga email address na makikita sa aming facebook.
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta.
Huwebes, Setyembre 30, 2010
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)